Project
SERPO, Kasunduan ng US at Ebens
Ang Project SERPO ay ang lihim na kasunduan ng Estados Unidos at mga Ekstra-Terestriyal
na tinawag sa pangalang Ebens mula sa Zeta Reticuli Binary Star System, may layong 39 light years mula sa planetang Earth.
Nagsimula ang US-Zeta Reticuli Exchange Program noong 1965 hanggang 1978, nang
magpadala ang US ng 12 kagawad ng militar sa Planetang Serpo. Nanatili ang mga tao sa planetang yun ng sampung taon, ngunit
walo sa mga ito ang nagawang makabalik, dalawa sa kanila ay namatay, ilang taon ng pananatili sa naturang planeta, samantalang
dalawang iba pa ang inatasang manatili doon.
Ang naturang sikretong programa ay isiniwalat ng isang dating empleyado ng
US Government na nagpakilala sa alyas na Request Anonymous kung saan siyang dahilan kung bakit nilikha ni Bill Ryan ang isang
website tungkol dito (http://www.serpo.org/release1.asp).
Marami ang kumuwestyun sa naturang expose at sinabing ito ay gawa-gawa lamang
para sa personal na benepisyo ng iilang tao, ngunit hindi matawaran ang kabuuan ng detalye kung ano ang karanasan ng mga taong
ipinadala sa planetang Serpo.